Paano gumawa at mag-manage ng mga game handle sa Netflix

Pumili ng natatanging pangalang gagamitin habang naglalaro ng Netflix games.

  • Lalabas ang mga game handle sa ilang game na may feature tulad ng mga leaderboard.

  • Gagamitin ang pipiliin mong handle sa lahat ng Netflix games kung saan ito supported.

  • Puwedeng magkaroon ang bawat Netflix profile ng isang game handle.

    Tandaan:Hindi available sa mga Pambatang profile ang mga game handle.

  • Hindi ka puwedeng gumamit ng handle na napili na ng ibang player.

  • Para sa ilang game, kailangan mo munang gumawa ng handle bago makapaglaro.

  • Kapag nagawa na, puwede pang i-edit ang handle pero hindi ito puwedeng i-delete.


Paggawa o pagpapalit ng game handle

Kung kailangan ng handle sa game, kailangan mo munang gumawa nito para sa profile mo bago ka makapaglaro.

May ilang game kung saan puwede kang gumawa ng handle pero hindi ginagamit ang feature sa game sa ngayon.

  1. Buksan ang game sa mobile device mo.

  2. Piliin ang profile na gusto mong gawan ng handle.

  3. Sa kanang sulok sa itaas ng screen, i-tap ang profile icon mo.

  4. I-tap ang Gumawa ng Game Handle o I-manage ang Game Handle.

  5. Maglagay ng natatanging handle, at i-tap ang I-save.

  1. Buksan ang Netflix app sa Android mobile device mo.

  2. Piliin ang profile na gusto mong gawan ng handle.

  3. I-tap ang shortcut na Games sa itaas ng screen mo.

  4. Hanapin ang banner na Gumawa ng Netflix game handle mo at i-tap ang Magsimula. Kapag nakagawa ka na ng handle, mapapalitan mo ito kapag nag-tap sa edit icon sa tabi ng pangalan ng handle mo sa shortcut na Games.

  5. Maglagay ng natatanging handle, at i-tap ang I-save.

  1. Buksan ang Netflix app.

  2. Sa kanang bahagi sa ibaba, i-tap ang Netflix Ko.

  3. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang pangalan ng profile.

  4. I-tap ang I-manage ang mga Profile.

  5. Piliin ang profile na gusto mong i-edit.

  6. I-tap ang Game handle.

  7. Maglagay ng natatanging handle, at i-tap ang I-save. Para i-manage o i-update ang kasalukuyang handle, maglagay ng bagong natatanging pangalan at i-tap ang I-save.

  1. Gamit ang browser, pumunta sa I-manage ang mga Profile.

  2. Piliin ang profile na gusto mong gawan ng handle.

  3. Sa itaas ng page, i-tap o i-click ulit ang profile mo.

  4. Sa seksyong Game Handle, ilagay ang natatanging pangalang gusto mong gamitin. Para i-manage o i-update ng kasalukuyang handle, maglagay ng bagong natatanging pangalan.

  5. Kapag tapos ka na, piliin ang I-save sa ibaba ng window mo.

Mga tip sa paggawa ng handle

Ang mga handle ay kailangang:

  • may habang 3-16 na character.

  • hindi gumamit ng mga emoji, bantas, o special character.

  • hindi gumamit ng higit sa isang script o wika.


Error message habang gumagawa ng mga handle

  • Hindi available ang handle: Ginagamit na ng iba ang handle na sinusubukan mong gawin. Para maayos ito, pumili ng ibang handle, o subukang magdagdag ng kahit ano sa handle para gawin itong natatangi.

    • Halimbawa: Kung sinusubukan mong gamitin ang "CoolCat" at natatanggap mo ang error na ito, puwede kang sumubok ng mga alternatibo tulad ng "CoolCat1," "CoolCat2," "CoolestCat," "CoolerCat," atbp.

      Tandaan:Hindi case sensitive ang mga handle, kaya magkakapareho lang ang "CoolCat," "coolcat," o "COOLCAT" kapag pumipili ng handle.

  • Kailangang may 16 na character pababa: Limitado sa 16 na character ang mga handle. Sumubok ng mas maikling handle.

  • Kailangang mas mahaba sa 2 character: Kailangang may higit sa 2 character ang mga handle. Sumubok ng mas mahabang handle.

  • Hindi pinapayagan ang handle: Lumalabas ito kapag hindi nakaayon ang handle sa Community Guidelines. Sumubok ng ibang handle para magpatuloy.


Mga tanong tungkol sa mga handle

Papalitan ng Netflix ang mga handle na hindi nakaayon sa community guidelines namin, at magpapadala kami ng email sa address sa account kung gagawin namin ito.

Kung hindi mo ito binago o kung hindi ito binago ng ibang taong gumagamit ng account mo at wala kang natanggap na email mula sa Netflix, sundin ang steps para pigilan ang ibang tao na gamitin ang account mo.

Sa Netflix, gusto naming maramdaman ng lahat na ligtas at welcome sila kapag naglalaro ng games namin. Para siguradong masaya ang experience ng lahat, pinapalitan namin minsan ang mga handle para umayon sa Netflix Games Community Guidelines namin. Puwede mong palitan ang handle mo kahit kailan, sundin lang ang steps sa itaas.

Kung may makita kang handle na hindi sumusunod sa community guidelines at gusto mo itong i-report, makipag-ugnayan sa amin at ipaalam sa amin kung ano ang handle.