Mga maturity rating para sa mga TV show at pelikula sa Netflix

Mapipili mong mabuti ang panonoorin mo at ng pamilya mo gamit ang mga maturity rating para sa mga TV show at pelikula sa Netflix.

  • Puwedeng i-set ng Netflix o ng lokal na standards organization ang mga maturity rating.

  • Isini-set ng Netflix ang mga maturity rating batay sa dalas at tindi ng epekto ng mature content sa title, gaya ng dami ng karahasan, sex, wikang pang-adulto, kahubaran, o paggamit ng droga na baka naroon.

  • Nagbibigay din ang Netflix ng mga detalye sa mature content na makikita sa TV show o pelikula, kung naaangkop.

  • Ang mga maturity rating at advisory sa page ng mga detalye ng isang TV show ay nagpapakita ng overall o pinakamataas na maturity level ng series.

    Paalala:Sa mga TV show na may mahigit sa isang season, ipinapakita namin ang mga rating para sa season na pinapanood mo sa itaas na sulok ng screen sa unang beses na i-play ang title. Ang mga rating na ito ay baka naiiba sa overall rating o mga mature content theme ng show.

  • Baka magkakaiba ang mga rating ng TV show at pelikula sa bawat rehiyon.

Sa bansa mo, ginagamit ng Netflix ang mga sumusunod na rating sa TV at pelikula:

Inirerekomenda sa Mga Bata

ALL

Inirerekomenda para sa lahat ng audience

7+

Inirerekomenda para sa edad 7 pataas

10+

Inirerekomenda para sa edad 10 pataas

Inirerekomenda sa Teens

13+

Inirerekomenda para sa edad 13 pataas

Inirerekomenda sa Mga Nasa Hustong Gulang

16+

Inirerekomenda para sa edad 16 pataas

18+

Inirerekomenda para sa edad 18 pataas

Makikita mo ang maturity rating ng isang title:

  • Sa tuwing magpe-play ka ng title, sandaling makikita ang rating sa itaas na sulok ng screen mo.

  • Sa page ng mga detalye ng TV show o pelikula. Baka magkakaiba ang lokasyon ng impormasyong ito depende sa device.

Bukod sa rating, makikita mo rin ang mga detalye tungkol sa content ng title na naging dahilan ng rating (halimbawa: sex, wika, karahasan, kahubaran).

Ganito mag-set ng maturity rating level para sa profile batay sa device mo:

Android phone o tablet, iPhone, o iPad

Tandaan: Para i-edit ang Maturity Rating level ng isang Pambatang profile, kailangan mong gumamit ng web browser.

  1. Buksan ang Netflix app.

  2. Sa kanang bahagi sa ibaba, i-tap ang Netflix Ko.

  3. Sa itaas, i-tap ang pangalan ng profile.

  4. I-tap ang I-manage ang Mga Profile.

  5. Pindutin ang profile na gusto mong i-edit.

  6. I-tap ang Mga Restriction sa Panonood.

  7. I-tap ang Maturity Rating.

  8. Para ma-verify ang identity mo, ilagay ang password ng Netflix account mo.

    • Kung wala kang password para sa account mo, sundin ang steps sa ilalim ng "Web browser" para baguhin na lang ang settings mo.

  9. I-set ang Maturity Rating level na gusto mo.

Web browser

  1. Gamit ang browser, pumunta sa Account page mo.

  2. Piliin ang Mga Profile.

  3. Piliin ang I-adjust ang mga kontrol ng magulang, at pumili ng profile.

  4. Para ma-verify ang identity mo, ilagay ang code na ipinadala sa email o mobile phone number mo, o ilagay ang password ng Netflix account mo.

  5. I-set ang Maturity Rating level na gusto mo.

  6. Piliin ang I-save.

Tandaan: Nakaayon ang game ratings sa maturity settings ng show o pelikula na naka-set sa profile. Tingnan ang mga detalye sa Maturity ratings para sa mga game sa Netflix .

Ang mga profile na may naka-set na maturity level ay magpapakita lang ng mga title na tugma sa piniling maturity rating level.

Kung hindi mo mabago ang mga maturity level sa Pambatang profile, tingnan ang Hindi ko mabago ang mga limit ng maturity rating sa Netflix Kids experience.

Para sa iba pang impormasyon, tingnan ang Mga Kontrol ng Magulang sa Netflix.

Puwede ka ring mag-block ng mga partikular na show at pelikula sa mga indibidwal na profile.