Paano magpalit ng profile

Puwede kang magkaroon ng hanggang 5 profile sa isang Netflix account.

TV o TV-streaming device

Kapag naka-sign in ka sa Netflix app:

  1. Pindutin ang back button sa remote mo para makapunta sa menu.

  2. Sa itaas, pillin ang profile icon.

  3. Pumili ng ibang profile.

Android phone o tablet, iPhone, o iPad

Kapag naka-sign in ka sa Netflix app:

  1. Sa kanang bahagi sa ibaba, i-tap ang Netflix Ko.

  2. Sa itaas, i-tap ang pangalan ng profile.

  3. Pumili ng ibang profile.

Web browser

Kapag naka-sign in ka sa Netflix:

  1. Sa kanang bahagi sa itaas, mag-hover sa profile icon .

  2. I-click ang ibang profile mula sa dropdown menu.

    Tandaan: Kung may active na Pambatang profile, i-click ang Mag-exit sa Pambata at pumili ng ibang profile.

Kung gusto mong gumawa ng pagbabago sa profile, tingnan ang Paano gumawa, mag-edit, o mag-delete ng mga profile.