Bakit hindi puwedeng i-download ang isang pelikula o TV show?

Ang mga TV show at pelikula mula sa Netflix at mga iba pang content provider ay mada-download sa aming Android, iPhone, iPad, Google Chromeback, at mga Amazon Fire app.

Para sa pangkalahatang impormasyon sa pag-download ng mga title, tingnan ang Paano mag-download ng mga title na papanoorin offline.

Sinusubukan naming gawing available sa pag-download ang pinakamaraming pelikula at TV show hangga't posible. Kapag hindi puwedeng i-downoad ang isang title, posibleng dahil ito sa ilang magkakaibang bagay, kabilang ang:

  • Kasalukuyang exclusive sa ibang kumpanya ang mga karapatan sa content.

  • Hindi puwedeng bilhin ang mga karapatan sa content provider.

  • Kasikatan, gastos, mga pana-panahon at iba pang lokal na salik, at availability.

Ang ilan sa mga TV show at pelikula namin ay ginawa ka-partner ng isang studio na nagmamay-ari ng franchise o intelektwal na ari-arian na nauugnay sa content. Baka may mga karapatan kaming i-offer ang mga iyon para sa streaming, pero baka hindi namin mai-offer ang mga iyon para sa pag-download.

Tingnan ang Paano kumukuha ng license ang Netflix para sa mga TV show at pelikula para sa karagdagang impormasyon tungkol sa licensing at kung ano ang Netflix original.